Salamat sa mga walang humpay na suporta sa aking blog na kahit wala ako at mejo tinatamad ( kunwari bz) na tumipa sa aking keyboard e bumibisita pa din kayo.

Ang lola niyo kahit papano e nakapag lamyerda naman nung summer. Kahit papano me bakat ako ng suwiming sut sa likod ko

:D. Nasubukan kong daanan ang sinasabi nilang SCTEX sa norte na pagkahaba- habang kalsada na parang walang katapusan. Na pag nagkaaberya ka e walang tutulong sa yo kung walang dadaan. Ang kalsadang ito e nasa gitna ng palayan at kabundukan. Pag ikaw ang dumaan dito siguraduhin mong puno ang gas tank mo at wlang sira ang oto mo o dili kaya me spare tire ka at marunong kang magpalit ng gulong ng sasakyan. Maganda ang SCTEX pero sana pakiusap ko sa mga namamahala dito lagyan ng patrol, damihan ng ilaw at ung mga facilities such as gasoline stations and auto shops meron dun kahit mga 10 lang dahil sa haba ng kalsada magkakaaberya ka talaga kung luma luma ang sasakyan mo.

About these ads