21072007802.jpg 

TABA. BABOY.CHUBBY. Etong mga words na to ang  lagi ko naririnig sa mga nakakilala sa akin. Na  kakafrustrate at nakakababa ng self  esteem. Feeling ko lagi tuloy ang pangit ko lalo. They used to see me kasi na payat (24-26-36; 5’6″) Lagi ko kinakatwiran na mayaman na kasi ako kaya mataba na ako (joke) kaso minsan pati din ako nahihirapan. Lagi ako bumibili ng damit kasi naman mabilis magpalit ang size ko . Mabagal ako kumilos at madali mapagod.

So naghanap ako ng isang mabilis na paraan na pwede ko magamit/magawa para ako pumayat. Diet Pills and tanging naisip ko at tamang tama naman  a client cum friend recommended one. Nakita ko ung effect netong pills sa kanila, since kasi dati ung anak niya ang taba taba tapos nung pumunta ako sa ofc niya sinabi niya na eto nga ang nakatulong sa kanila. Aba d naengganyo ako bumili since sabi nga effective siya. Naka 4 days lang ako nag take neto tapos inistop ko na kasi d na ako makatulog at lagi ako nanginginig at kinakabahan. After mga two days nagcoffe ako (brewed cofee) ayun bingo nagpalpitate ako ng husto. Akalain mong dumating ako sa punto na literal na naglow bat. Wa energy. At isa pa…. nakakabobo. D kinaya ng powers ko ang pangyayari. So ilang araw din akong nagleave dahil lamang sa linsyak na diet pills na to. Ung pinayat ko dati dahil sa diet pills na to naka times 2 ang balik since I need to eat dahil kailangan ko magka energy.  Naka two weeks din ako pinerwisyo ng diet pills na to na nabili namin sa chinesse ek ek.

  So lesson mga kapatid, magpapayat tayo sa tamang pamamaraan. Wag natin daanin sa mabilisan. Dati din pala sinabi na sa akin na ang mga diet pills e me halong ephedrine which is component siya ng shabu. exercise at tamang diet lang po tyo.  (kaso kakapagod). And most of all sa mga nakakakilala sa akin WAG NIYO NA AKO PINTASAN  pleaseeeeeeeeeeee.