Linggo.Tinatamad man ako pero kailangan ko talaga kumilos. Masama ang pakiramdam ko dahil nagtanga-tangahan ako  kaninang umaga. Sinampay ko sa labas ung nilabhan ng washing machine. Biglang bumuhos ang ulan, imbes na bilisan ko ang pagsamsam sa mga sinampay ko, binagalan ko pa dahil feel ko d ako nababasa.Pero ngayon obligado ako kumilos at ayusin ang mga gamit ko. Mawawala ako ng Pinas ng isang linggo. Hindi po ito lakwatsa. Trabaho na me kasamang bakasyon.