Dalian. Isang remote na City ng China. I was expecting na jologs mga tao dito pero hindi pla. Though malayo ito sa mainland pero civilized naman ang lugar. Malinis ang paligid (3x na mas malinis sa Makati) Tahimik at d mausok (indi kasi matrafic) Maluwag ang kalsada. Gusto ko ang klima dahil pagsapit ng hapon, napakalamig. Kumbaga pag ganito sana ang Pinas, makakatipid ako ng malaki sa gastos natin sa kuryente dahil d ko na kailangan ng aircon or electric fan. Isa pa na appreciate ko sa lugar na io ay ang mga tao d marunong tumanggap ng tip. Sa atin kasi obligado ka na magbigay ng tip sa mga taga-silbi sa restaurant ( though trabaho nila talaga ang magsilbi sa mga kostumer nila). Nayaya ako kagabi ng Branch Mgr ng Colombo office namin sa isang bar sa tabi ng Hotel at don ko napatunayan ung sabi sabi nila na d nga talaga tumatanggap ng tip ang mga tao sa Dalian. Nagulat din ako dahil me nakita ko BABAE ang driver ng bus nila. Strange d ba. Ewan ko kung diyan sa Pinas, kakayanin kaya ng isang babae ang ganon trabaho?

Ang ayaw ko lang dito ay d sila marunong magsalita ng English. Talagan love nila ang salita nila. Buti pa ang magbabalot sa atin marunong mag english kahit balu-baluktot. Sila mga intsik it will take you 5mins more explaining kung ano ung gusto mo sabihin kasi d sila masyado nakakarelate sa mga inglis na salita. Kahit kanina nasa meeting na kami (with diff representatives of our Group worldwide)and I think mga professional mga representatives ng China offices namin pero nahihirapan pa din sila mag express or makipagtalastasan in English.

…………………..to be continued