Bakit andaming maangas na tao sa mundo?

 Kahapon binabaybay ko ang EDSA  papauwi ng kyusi ng bigla huminto ung kotse sa unahan, un pala huminto ung nasa harapan niya. Bumaba ung mama sa unang kotse at hinamon ng suntukan ung nasa pangalawang kotse. Pinagtatadyakan at minura nung mama from 1st car ung driver nung 2nd car. Kahit papano natakot ako dahil humarang siya sa gitna ng edsa at nasa innermost lane ako ( which is nadamay ung lane ko na naharangan at katabi lang nila ako ). Kailan lang me isang Atty. pa man din na bigla na lang pinaputukan ung driver ng kagitgitan niyang kotse at nandamay pa ng isa.