FLASH REPORT – Isang K9 dog ang kasama ng pulis na nag-ikot sa isang mall sa Manila ng bigla itong inupuaan ng anim na beses ang isang inabandonang bag. Batid sa kaalaman ng lahat na pag ang isang trained K9 dog ay inupuan ang isang gamit, ibig sabihin nun me bomba o isang dangerous na bagay na nakapaloob dito. Sa madaling sabi tinawag ng mga pulis ang mga taga SWAT para idetonate ang natagpuan na bomba ng K9 dog pero sa kasamaan palad nung buksan na ang bag ang nilalaman pala neto ay personal na gamit ng isang babae. Ang K9 dog ay nagkamali na sa ating kaalaman ay hindi dapat nagkakamali. Nagkakahalaga ng malaking halaga at isang k9 dog ( d ako sigurado sa figure kung magkano) na ginagastusan ng gobyerno. 

*source DZBB balita sa umaga with Mike Enriquez & Joel Reyes Zobel reported by Carlo Mateo

Nanawagan ako sa mga magigiting natin at mga walang magawa na mga Senador, mga Diputado, mga Obispo at mga Militante na pakiimbistigahan ang mga nangyari. Tutal wala rin lang silbi mga pinaggagawa niyo kundi guluhin ang buhay ng mga mamamayan. Wala kayo ginawa kundi kung ano anong pananabotahe na nakakaapekto sa aming mga maliliit na mamamayan na nananahimik at nagtatrabaho para sa amin ikabubuhay. Andon na tyo na mataas ang standard of living ngayon. Sino bang me gusto na magmahal ang mga bilihin. Lahat naman tayo e nahihirapan pero ang pakiusap lang naman namin patahimikin niyo na ang bansa. Rinding rindi na kami sa mga pag aaway away niyo na walang kapararakan. Lahat kayo nagtuturuan. Nagbabangayan. Nagpapataasan ng pride kung sino ang magalin at matino. Hindi ako maka Gloria o panig kanino man. Isa lang ako sa taong apektado sa mga panggugulo niyo. Kung magbabago ba tyo ng Presidente yayaman na ba ang bansa. Bababa na ba ang bilihin. Sino ba kasi nagsabi na iluklok si Cory na simulat sapul ng pagkakaupo niya sinasabi natin nakuha natin ang demokrasya mula sa isang diktador. ang pagkakamali natin mas masahol pala ang buhay natin ngayon kesa noon panahon ni Marcos. Tandaan natin ang kasabihang ” Great power comes with great responsibility”.  Ng dahil sa P…t.ang inang demokrasya na sinasabi niyo kayang kaya nating gawin ang gusto nating gawin nakakabuti man o nakakasama man sa kapwa natin. Utang na loob porke nasa Gobyerno kayo paglalaruan niyo na lang ang kapalaran ng mga mamamayang maliliit na Pilipino. Nakikiusap kami tantanan niyo na kami sa kaguluhan niyo. Sundutan kayo ng sundutan parang lahat kayo sa Gobyerno malinis. Mga Put..ng Ina kayo. ….kung pwede lang magtayo ng sarili naming bansa gagawin namin…… ganyan namin kayo sinusuka.