Malapit na talaga ang pasko. Kaliwa’t kanan na mga nakikitang dekorasyon pampasko at lagi ng me nagpapatugtog ng mga Xmas songs. Katuwa dhil magbobonus na naman kami­čśÇ . Pag pasko madami pera mga tao, marami ring holdaper. Kagaya nung isang araw nakwento ng isang processor na ung Messenger ng warehouse namin e na hold-up sa likod ng Post ofc. Sakay┬á siya ng dyip papuntang pier kasi dun ang warehouse/ofc nila.┬áKinaumagahan pumunta si Manong Bay ( messenger) sa ofc at syempre tsismosa talaga ako so tinanong ko kung totoo ung balita. Confirmed nga, totoo. Ang napabalita kasi 15k nawala sa kanya un pala Php. 500.00┬álang.┬á Ganito daw ang nangyari.

Manong Bay sakay sa Dyip papuntang pier ng magdeklara ng 2 Mama ng Holdap. Dali dali tumalon si Manong Bay palabas sa dyip kaso ung nakatabi niya pala sa likod e ung isa sa mga holdaper.

Natural sinamsam ng mga holdaper ang gamit ng mga pasahero na kapaki pakinabang( selfon, wallet at alahas).┬á pagdating ke manong Bay e …

Manong Bay ( nilabas kaagad ung wallet) : Dong one tawsan lang pera ko, pwede ba 500 na lang kasi ala ako na pera at kailangan ko lang pambili ng gamot.

Aba at maawain ang holdaper, kinuha nga mula ke manong Bay 500 lang.

Ang laki ng pasalamat niya sa mga holdaper at taas noong kinuwento sa amin na nakatawad siya at eto pa, buti daw d siya kinapkapan kungdi sana nakuha din selfon niya.

hay buhay talaga oo, Manong Bay turuan mo ako ng iba pang tips para makatawad sa holdaper.