jologs. Ito kadalasan description sa mga taong nakikinig sa programang ito. Ito rin ang description ko dati sa programang ito, ang ingay ingay kasi nila at walang pakundanang okrayin ang mga listeners nila na nanghihingi ng advise sa kanila. Una ko tong narinig nung sumakay ako ng FX. Parati rin itong binabanggit ng mga estudyante kong pamangkin😀. (pati si kuk kurukukko) hanggang dumating na sa punto na pinapakinggan ko na din sila lagi lagi. Tuwing umaga kasi ay late ako sa pagpasok sa office at kadalasan traffic na ang EDSA pag umaalis ako ng haus. Naaaliw ako sa kanila at kahit papano hindi ako nabobored sa byahe. Natutuwa ako pag si Nicole Hiyala na ang bumanat. Madami kang natututunan sa mga banat niya na kung sa umpisa akala mo pang ookray lang (na pati si Kris tsuper inookray din niya) pero pag nagpakatotoo ka sa sarili mo , tama pala siya😀. Sampolan ko kayo …    okrayin niyo na ako ng jologs pero aminin niyo na napatawa kayo sa mga banat nila. note : me album sila out in the market na baka gusto niyo bumili😀 ang mag dl daw at bumili ng peke mababalian sa tadyang.