Sa dami ng gusto kong talakayin, hindi ko tuloy maupdate itong blog ko. Ang dami kasi ng request ng mga mahal kong mambabasa at sa dami din ng trabaho ko sa opisina kaya kanda-buhol buhol ang utak ko sa pag iisip kung ano uunahin ko. 

Uunahin ko ung talastasan namin ng Boss ko tungkol sa mga OA na reaction ng mga TV networks, mga oposisyon, mga aktibista at mga makatao (daw). Sabi nila dahil daw sa kahirapan nagpakamatay ang isang dose anyos na bata sa Lungsod ng Davao na si Marianette Amper. Kung titignan mo ang mga miyembro  ng pamilya ng batang ito, malulusog naman mga kapatid at magulang. Mga naka selpon. Bilang isang probinsiyana alam ko ang buhay sa probinsya. Pag ikaw ay nasa probinsiya, madami kang pwedeng pagkuhanan ng pagkain at pagkakitaan para mairaos ang pang araw araw na buhay. Tamad na lang ang taong nakatira sa probinsiya na walang makain.  Pwede ka magtanim ng mga gulay sa likod bahay lang at presto me pang-ulam ka na, meron ka pa pwede itinda. Kadalasan kasi ang mga tao pag nakahawak ng medyo malaking pera akala nila wala ng bukas. Bili doon at bili dito kaya pagdating ng kagipitan wala sila madukot. Naiintindihan ko na mahirap ang buhay ngayon kya walang makakatulong sa atin kundi sarili din natin.

 Mabalik tyo sa nagpakamatay na bata, lahat nag react at ibinato ang sisi kay PGMA. Mga aktibista at oposisyon akala mo pagkagaling galing at parang me nagagawa sila sa bayan? Akala mo sila ang bayani at akala mo sila ay matino. Matanong ko nga kayo?  Meron ba kayo naitutulong sa mga mamamayan? San napupunta mga pork barrel ng mga congressman niyo ( BAYAN, Akbayan, Gabriela atbp.) Hindi ako maka Gobyerno. Mahirap din akong mamamayan na apektado sa mga pagbabangayan, gulo at kung ano ano pang ka ek ekan niyo.

Magkaroon naman kayo ng common sense. Ang isang 12 anyos na bata ba ay magpapakamatay dahil siya ay nagugutom? dahil siya ay mahirap?  Ngayon na nagkaroon ng findings na ni-rape yung bata dahil me natagpuan laceration sa puerta ng kawawang bata at hindi malaman ng awtoridad kung sino ang gumawa. Asan kayo ngayon?

 Sabi nila ang unang pumiyok siya ang umutot.