Monday na naman. Nagpapasalamat ako sa Diyos at nairaos ko ang buong lingo last week na wala akong sakit at ng aking minamahal.

Eniweiz kanina pagdaan ko sa EDSA inabot na naman ako ng kutakot-takot na tarapik sa me bandang North Edsa. Ano dahilan? ung 4 lanes na kalsada naging 2 lanes na lang kasi ung 2 lanes ay ginawang PILAHAN ng mga tao na sasakay sa MRT.  Inpernes hindi uminit ang ulo ko dahil siguro sanay na ako kaya lang ang aking matinding katanungan e bakit tinotolerate ng mga mahal kong MMDA enforcer ang ganito. Hindi mo naman masasabi na walang enforcer kasi sandamakmak sila sa unahan at tabi lang sila ng pila.  Me bakod naman sa bagketa, bakit kaya hindi nila doon papilahin ang mga mananakay ng MRT ng hindi maabala naman mga  motorista sa kalye. Sana naman maayos ng mga kinauukulan ang senaryong ito kasi baka mamaya me bigla bumulagta doon dahil nahagip ng dambuhalang bus.

At sana umayos naman ang mga  drayber ng Bus, wag sila kung sino kung makapagbalandra ng mga dala nilang sasakyan. Hindi lang naman sila ang tao sa Pilipinas at sigurado ako mas malaki ang binabayaran kong buwis sa kanila no! Hindi tuloy mawala sa isip ko ang tatak nila na lahat sila ay mga ADIK, masama ako na kung masama pero yan talaga ang iisipin mo sa mga pag uugali nila na pinapakita sa kalsada.