Madaming nananahimik na mamamayan ang pinerwisyo mo. Maraming mamayan ang naabala mo. Madaming mamamayan ang per day lang ang sweldo…. no work..no pay. Sa tingin mo maganda ang ginawa mo? Pangalawang ulit mo na tong panggagago sa amin. Madami ka ngang nauto na mga tangang pinoy. Ang tingin nila isa kang santo pero indi nila alam isa kang demonyo na nagbabalatkayo. Matanong nga kita iho, naranasan mo na ba ang nararanasan ng mga ordinaryon Pilipino na kagaya namin. Naranasan mo na ba ang mapasabak sa gyera at kung magsalita ka akala mo ikaw na ang pinakamagaling na sundalo. Alam kong me mali sa gobyerno at kaming mga simpleng mamamayan ang direktang apektado. Pwede naman kayong mag away away basta sana kayo kayo lang at wag niyo na kami idamay. Wala ka siguro talagang utak. Pls pwede ba umalis na kayong lahat na magugulo sa PILIPINAS. Isama mo si Guingona sa pag alis baka dito pa abutin yang matandang yan.

Alam mo ba kagulang gulang na Sen. Trillanes kahapon ang pinakaworst na Thursday sa buhay ko. Bukod sa coding ako………..tangna wala akong masakyan pauwi sa pinaggagagawa mo animal ka. Sigurado ako na mas madami pa ang malala ang naranasan kahapon pero ang bottom line dito ikaw ang me sala sampu ng mga kasabwat mo gunggong ka. Kagaya ng sabi ko pwede ka mang gulo pero sana ikaw lang at mga pamilya mo ang naperwisyo. Hindi kita kaano ano pero bakit dinadamay mo ako gungong…