Naiwan ako mag isa sa office kanina. Mejo senti ang drama ng lola niyo. Pasko na naman wala pa rin ako byenan😀 (wala naman talaga ako magiging byenan pala dahil ulilang lubos na si jowa). Miss na miss ko na talaga siya.  Ang hirap mag mantain ng long distance relationship. I know indi kayo maniniwala but we had been with this relationship for almost 3 years na.  Hindi ko alam kung paano kami nakakatiis at nakakatagal.  Sabagay sa araw araw na ginawa ng Diyos sa buhay namin hindi lang limang (5) beses kami magkausap sa fone. ( paggising niya, pagpapasok na siya, pag kakain na siya, in between quality time na usap, pag pauwi na siya at pag nakadating na sa bahay…minsan pa pagtutulog na kami).  Mas malala pa ang tawagan namin kung kami ay magkaaway. Yes nag aaway kami na animo nagbabatuhan ng pinggan pero hindi kami natutulog na magkaaway. Inaayos namin ang gusot bago kami matulog.  Pareho mataas ang pride namin pero natututo kaming magpakumbaba. Minsan naggigitgitan kami at ayaw patalo sa isat isa ( recommended movie to watch : Mr. & Mrs. Smith.😀 ).  Descendant ako ni NAKAMURA. Maldita at demonyita ako to the highest level. Ako si Ms. Righteous, walang lugar sa akin ang mali pero napagpapasensyahan niya ako at iniintindi.  Ganon din ako sa kanya pag siya ay tinotopak. Masungit at suplado din si  jowa. Anjan papatulan din niya ang tantrums pero gaya nga ng sabi ko hindi natatapos ang araw na hindi kami magkasundo. In return naman naman iniintindi ko din ang kanyang tantrums at pinagpapasensyahan.

Malaki ang tiwala niya sa akin, ganon din ako sa kanya. Wala sa isip ko ang isipin na nagluloko ang bawat isa.  ah basta d namin iniisip na unfaithful ang isa sa amin dahil ako nasasabi ko kanya ang bawat ginagawa ko at sa dalas ba namin magkausap at ganon din ang tiwala ko sa kanya. Alam ng bawat isa sa amin ang ginagawa namin sa araw-araw.

Natutunan ko na ang relasyon ay dapat 2-way. Magbigayan. Pag uusap. Pagpapakumbaba ( hindi katangahan ang pagpapakumbaba at pagbibigay). Wala sa layo o lapit ang bawat isa. Malapit nga kayo pero hindi naman nag uusap at lagi nagbabangayan. Tiwala sa bawat isa at dapat honest tyo sa partner natin.

P.S. : part lang po yan ng story ng lovelife ko …. isipin niyo ng sa komiks ko nakuha yan o pocket book pero yan ang wento ng lovelife ko. Isipin niyo na akong tanga at imposible pero yan talaga eh.