Simula nung Monday ng hapon nag decide ako mag commute. Sobrang traffic sa EDSA at d naman ako ganon ka POSH para ayaw na magcommute. Grabe as in OA talaga ang traffic sa EDSA. Madadaanan ko ba naman e mga major malls sa Metro Manila. Akalain mong walang pera ang mga tao at nahihirap daw ang Pinas sa dami ng tao sa mall.

 Anyway kaninang umaga pagpasok ko mejo sa likod na ako ng FX nakaupo. As usual late na naman ako kaya d ko na kailangan mag inarte at mamili pa ng lugar na uupuan. Pag upo ko sa likod ng FX me 2 ng sakay at magjowa. Kagwapuhan si lalake ( makapal ang labi as in 2 inches ata ang kapal ng bibig up and down, singkit at buti na lang maputi) si babae naman e sexy ( siguro doble sa katawan ko ang laki at magkamukha sila ng bf niya ung labi lang ang nagkaiba). Naglalandian sila ng dumating ako, tukaan ng tukaan, kilitian ng kilitian, pasweet si babae, kikilitiin ni lalake, tukaan ulit. Tapos nung nanawa sila sabi ni lalake matulog na si babae, ayaw ni babae ng una kasi baka magusot daw ang buhok niya pero pumayag din pagtapos ng mejo mahaba habang kulitan, kilitian at tukaan. Kinuhanan ko sila ng picture habang natutulog para magkaroon naman kayo ng idea kung gaano sila ka cute.

eng.jpg

Hindi namansa naiinggit ako sa kanila kaya lang nakakarita. Disin sanay nag taxi na lang sila at d sila nakakaiskadalo sa mga kasakay nila na nakakakita sa kanila. Imbes na sila ang mahiya ang mga tao pa na kasabay nila ang nahihiya. Kung sana d sila naiiskanda lo sa PDA nila ang kapwa nila ang naiiskandalo. Me tamang lugar ang ganyang gawain. D na rin sila mga bata para hindi maisip ang lumugar sa tama.  Hindi ko malaman kung asan na napunta ang tamang asal ng mga tao. Wala na pinagkaiba ang mga ganitong klaseng tao sa mga aso na kahit saan pwede mag ano.