sa sobrang pagod ng lola niyo hindi na nakapag update dito sa kareynahan niya kaya eto late akong babati sa inyo ng Merry Christmas.  Nagkapatong patong kasi ang commitments ng lola nyo kaya pagdating ko ng bahay stressed na ako at d na masyado gumagana ang aking mapaglarong isip (creative mind ika nga).

natawa ako sa experience ko ngayong pasko. Kung mga iba jan nagselebreyt ng kasama ang pamilya ako mag isa ko sa bahay. Hindi naman ako nalulungkot sa nangyari bagkus natuwa pa ako kasi pumayat daw ako sabi ng ofcmate ko😀 . D kasi ako nagkakakain at d na rin ako nag luto ng noche buena dahil wala naman ako inaasahna na bwisita.😀

Sabi ni jowa lumabas daw ako, that was 24. E d naglamyerda ako. Inuna ko ang pagpapalinis ng kuko sa paborito kong parlor ung tipong ang mga manikurista doon e tutungkabin ung kuko mo tas lilinisin ng pagkalinis linis😀 masakit man siya pero satisfied ako sa paglilinis nila. Nakasabay ko don ang isang stage mother na kasama ang anak na nag aartista ( d ko nga lang kilala). Gumawa ng eksena ang magnanay, pinapalinisan ng nanay ung kuko sa paa ng anak pero ayaw ng bata dahil kalilinis pa lng daw. Nagulat kami lahat nung nag aaway na sila. Sinabunutan ng nanay ung tinedyer na anak at hjinila hila siya nung naatumba ung bata. Kahiya. Sana ung mga nanay jan  wag ganon. Kaya madaming nagrerebeldeng mga bata kasi madaming malulupit na mga magulang.

After that pumunta ako ng SM para magbayad ng bills ko. 630 pa lang sarado na ang counter ng bayaran so nagdecide ako kumain na lang ng dinner sa peborit kong resto. Peborit ko kasi affordable hehehe … so go ako sa TeriyakiBoy.  Inumpisahan ko ang dinner ko with my favorite soup which is Miso soup ( they say Miso soup help lessen the tendency of having a cancer) at nag sashimi pa ako.. Ng iserve ang aking Shake don aba nagsimula na din sila maglinis😀 katuwa d ako nagalit kasi naintindihan ko naman sila na kailangan na nila umuwi sa kanilang pamilya so pinabalot ko na lang ang aking fud at umuwi. Sa bahay ko na tinuloy ang lafang ko. Nung mejo mag gabi ng onte nag gisa ako ng pork😀 naisip ko uminom ng red wine😀 naubos ko ang isang bote ayun pagpatak ng alas dose plakda na ako😀 d ko namalayan ang noche buena at nagising ako mag aalas onse na ng umaga.  o d ba nakatipid pa ako sa pagraraos ko ng xmas ko. hindi ako naghanda at ang mga aking inaanak ay hindi naman ako naisip ng kanilang mga magulang na tinawagan  o dnala man lang sa akin ang kanilang junakis.😀

P.S. sa bus ko po to ito ginawa habang papauwi ng probinsya sensya na kung madami typo error… tnx