Mejo exhausted ako sa linggong nakaraan. Wala akong kabalak balak umuwi sa mahal kong bayan pero kinakailangan dahil ikakasal ang kapatid ko na sumunod sa akin. Halos ipagtulakan ako ng aking Boss dahil ayaw ko nga mag attend. Sabagay nagising na ang kapatid ko sa mga mali na nagawa niya sa akin at humingi naman ng kapatawaran so bakit pa ako mag iinarte na hindi pa mag attend sa napakahalagang kaganapan sa buhay niya.

Napakalamig sa lugar namin at umuulan lalo na nung kasalan hanggang pag uwi ko. Nairaos ko naman ang aking bagong taon na kasama ang pamilya ko minus ug panganay namin na nasa kabilang dako ng mundo.

Nakabalik na ako ngayon sa Manila na parang manok na lulugo lugo  dahil syempre indi kinaya ng powers ko ang napakalayong byahe at ang pagpapalit ng weather.  Kababalik ko lang sa tarbaho kahapon at napakadaming biz mail na kailangan sagutin at kahit papano ngayon zero back log na ako😀. Hanggang ngayon eto ubos na 2 rolyo ng tissue sa kasisinga dahil sa sipon….