ubo.jpg

Hanggang ngayon me sakit pa ang lola niyo. Mistula akong manok na nakasinghot ng sunog na plaka ( ung Long Playing album type ba). Lulugo lugo at dinadalahit ng ubo. Hindi ako pinatulog ng ubo ko kagabi. Kahapon ng hapon, lumabas ako ng bahay para bumili ng gamot kaso nawawala siya nung iinumin ko na. naknampusa talaga oo. So dahil patuloy ang pag ubo ko nagpakulo ako ng tubig at nilagyan ko ng vicks. Sininghot ko siya kaya ayun natuyo ang ubo ko at lalong sumasakit lalamunan ko pag tumatahol kaya eto nakaratay ako sa kama ko at hindi na naman nakapasok.