Malala na yata ang sakit ko. Kada aalis na lang ako, nagagastusan ako . Napagtanto ko na umaabuso na ako. Wala talaga akong hiya.

eto ang dahilan ng aking sama ng loob.

Sale daw sa Lacoste…. pahuhuli ba naman ang lola niyo…NO WAY hi-way kaya go ako sa Lacoste Megamall. Nakabili na naman ako ng bag. Wala kasi ako bag na magamit pag sabado kaya eto.. ( sky blue na maliit). Dahil hindi ako kuntento sa nabili ko, pumunta ako sa Lacoste Trinoma knina para tumingin ng puede ko pa bilhin pero sa kasamaang palad, meron na ako sa mga style na sine-sale nila. Lumipat ako sa CMG at nagtingin-tingin ako ng puede ko maiuwi, pahamak talaga tong si Frederick(Peralta, nakasabayan ko siya sa mall.) sabi kasi niya maganda daw ung hawak ko na bag kaya ayun nakabili na naman ulit ao ng malaking bag.

 bag.jpg

 Tapos bigla ko naalala, inarbor pala ng nanay ko ung shus ko, kainis pag me kapareho ka ng size, huhubaran ka ng wala sa oras kaya sabi ko tutal sale naman mga shus sa CMG bumili na din ako. Etong aking binili e flat shus na buy 1 take 1 kaya sulit pa ako kesa bumili na naman ako HP.

shus.jpg

 Malala na talaga ang sakit ko. Sobrang talino ko para iabugado sa sarili ko ang pag gastos ko. Lagi me rason why ko binili kahit mababaw na rason basta me rason ako.