Papasok ako kahapon sa office at as usual tune is sa 90.7 love radio. Inaantay ko ang tambalan nina Nicole Hayala at Chris Tsuper dahil gusto ko matawa.  Kaya lang imbes na matawa ako, nagsesenti ako habang nagmamaneho dahil ito ang kanilang topic. Se share ko sa inyo at sana marealize natin at mapagnilay nilay ang ating mga kamalian sa ating mga magulang o kahit sino man nakagisnan nating magulang. Lola ko ang una kong naalala nung binaasa nila ito ( laki po ako sa lola)  at kahit indi kami close ng nanay at tatay ko, naantig pa din ang damdamin ko.

 “

 Anak,

Sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan.
Kapag dala ngkalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako
kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity a
ko sa tuwing sisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga
ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman
sana ako sabihan ng “binge!”paki-ulit na lang ang sinabi mo o
pakisulat na lang.

Pasensya ka na anak matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa
iyo noong nag-aaralka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging
makulit at paulit-ulit naparang sirang plaka, Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pasasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Kapag gusto mo ng lobo paulit-ulit mo ‘yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit hanggat di mo nakukuha
ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana ako piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo ba noong bata ka pa pinagtiyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit,
dala marahil ngkatandaan. Pagtanda mo maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon,magkuwentuhan naman tayo,
kahit sandalilang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap. Alam kong BUSY ka sa trabaho, subalit nais
kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka,
kahit alam konghindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo ba anak, noong bata kapa? Pinagtiyagaan
kong pakinggan atintindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’ymagkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo nasana kung ako
man ay maihi o madumi sahigaan, pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng akingbuhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo
sana ang aking kamay ay bigyan mo ako ng lakas ng loob na
harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag
kaharapko na ang Diyos na lumikha, ibubulong kosa
Kanya na pagpalain ka sana… dahil naging mapagmahal
ka sa iyong AMA’TINA…..

Nagmamahal,

Nay at Tay

Advertisements