Gumala ako kahapon ng luch break ( nagpagupit po ako sa paboritong kong saloon). Nung papauwi na ako sa office namin nakasabayan ko ang ilang emplayado at emplayada na naglalakad sa kalye ng Makati Ave.  Dahil panulukan ang aming dadaanan natural lang na me STOP Lightdahil slightly CBD ung loc ng office namin ( Makati Ave cor Buendia).  Nakakairitang tignan na ang mga taong nakaunipormeng pang opis pa man din e hindi marunong sumunod sa batas trapiko. Tawiran sila ng tawiran kahit hindi pa nakastop ang mga sasakyan or hindi pa nila turn para tumawid. Dito sa Pilipinas lang din ako nakikita ng babala na “BAWAL TUMAWID, NAKAKAMAMATAY”  sa HIGHWAY.

                             06032008272.jpg

Isa ito sa nakakairita sa paningin ng mga drayber. Pag ang mga tao indi umaayos sa pag sunod ng batas trapiko at nahagip ng sasakyan, ung driver pa din ang may kasalanan kahit na ung drayber ang nasa lugar.  Akala mo sila ay karton lang kung makipagpatintero sa mga sasakyan sa kalye.

 Nakakatawang isipin na itinuturo sa iskul sa mga bata ang tamang pag sunod sa batas trapiko. Sana bilang mga nakakatandang mamamayan sundin natin ang tamang batas trapiko.

Advertisements