asyang1.jpgasyang1.jpgasyang1.jpgAng layas na si Asyang Aksaya ay hindi lumaboy ngayong Mahal na Araw. Kadalasan pag mahal na araw ay hindi ako makikita sa loob ng aking pamamahay. Anjan ung nasa Subic o sa pampang ng baybayin ng Batangas. Meron pa nung minsan nilibot ko ang buong Batangas, pasok ako ng SLEX labas ko na nun Coastal tollway. From Sto Tomas baga all the way to Lipa , Cuenca, Taal labas ng Tagaytay 😀 .                                                                                                                      asyang1.jpg

Nasubukan ko ng pumunta sa Cutud, Sfndo Pampanga para saksihan ung mga nagpapapako sa cruz. Nangawala na rin ung mga tropa ko sa Pasig na lagi ko kasamang namamanata sa pag akyat sa Antipolo na naglalakad lang from Robinsons Galleria all the way up to the church of Antipolo. Last year  nasa Tagaytay ako at nagsimba sa Monastery ng Pink Sisters at tumambay at pinagtyagaan ang tanawin sa Tagaytay Leisure Park

Ang dami kong plano nung d pa dumadating ang mahal na araw.

1. Magsuswimming kami sa Subic o d kaya sa Anilao.

2. Kahit ung Ace Water Spa papatulan ko na  para kahit papano maranasan ko naman ung sinasabi nilang Hydro Massage fo 4 long hours.

3. Magbibisita Iglesia o d kaya aakyat sa Tagaytay at magsisimba (uli) sa Pink Sisters

Lahat ito hindi natupad hindi dahil wala akong anda kundi lintek dumating ang aking buwanang bwisita na kung bumisita ay halos hindi ako makakilos😦 .

Sa TV na lang ako nagmisa. Nag nilay-nilay.

Sana ngayon Sabado de Gloria bukas na ang mall. Mejo mahaba haba na ding ung dalawang araw akong nakaratay sa bed bilang penitensya.  Hindi ako nakapag mall ng dalawang araw at hindi din gumastos man lang. Hindi ba malaking sakripisyo na din un?