Nangyari ito nung Biyernes. Alas singko y medya ng hapon, uwian na. Minadali ko mga officemates ko na sumasabay sa akin na daliaan nila ang kilos nila kasi matraffic pag Friday at baka abutin na naman ako ng siyam siyam sa daan.

Nagkakasarapan na kami ng kwentuhan ng abutan ako ng pag stop ng traffic light sa kanto ng Paseo cor. Buendia ng magkagulo ang dalawang mama sa tabi namin. Hinahaltak nung isang mama ung dala ng mamang nakamotor na backpack. Nung ayaw niya ibigay pinaputukan. Lumingon pa ung mama na nakamotor sa mamang nanghahaltak sa dala niya bago siya punutukan ulit ng malapitan. As in nakadikit ung dulo ng baril sa katawan niya. Dalawa, tatlo. Hindi namin alam kung ano gagawin namin. Ung mamang nakamotor nakahandusay sa kalye. Yung mamang me dalang baril, take note dalawa ang dala niyang baril ay pinapahinto mga sasakyan at pinutok pa ulit ang baril pababa. At nasa mismong harapan ko ung mamang nakahandusay at mamang hold-uper

Wala kami magawa kundi yumuko at magiiyak at magdasal sa loob ng kotse dahil kung sakali magpaulan siya ng bala kami unang tatamaan. Kung magkaputukan ( shoot-out) kotse ko unang madadamay. Kung sakaling mag agaw ng sasakyan para makatakas, ako unang maaagawan. Mabuti na lang at walang nangyaring masama sa amin. Alam ko sa mga oras na yon ay sinakluban kami ng Holy Spirit at inilayo kami sa kapahamakan. Mabait talaga ang Diyos.

Ung mamang binaril? nakahandusay pa din sa kalye nung umalis kami. FYI me mga MAPSA sa paligid nung nangyari ang holdapan. Me pulis patrol car sa kabilang kanto. Ganon pala un pag me binaril, indi kaagad tinatakbo ng mga pulis o mga autoridad ung biktima.

Ung mamang holdaper? Nakatakas natural. Dala ung back-pack.

Ung mga Mapsa? Nagtakbuhan nung nakita ung pamamaril saka hinabol ung holdaper nung naka alis.

Ayon sa balita, isang milyon payroll money daw ang dala ng pobreng mama.